I-download ang aming gabay sa pag-aalaga ng puno na matipid sa tubig
Kumuha ng napi-print na bersyon ng aming gabay sa pag-aalaga ng puno na matipid sa tubig para i-save at gamitin bilang sanggunian o ibahagi sa iyong mga kapitbahay.
Mga madalas itanong
Paano didiligan ang iyong mga batang puno
1-3 taon pagkatapos ng pagtatanim
Para sa unang tatlong taon pagkatapos ng pagtatanim, ang lahat ng puno ay kailangan ng tubig para maging matatag ito. Huwag umasa sa mga sprinkler sa bakuran — hindi nito nababasa ang lupa nang sapat na malalim para hikayatin ang malusog at malalim na sistema ng ugat para sa iyong puno.
Ang mga ugat ng mga batang puno ay makikita kadalasan nang malapit sa katawan ng puno.
Ang pinakamadaling paraan para diligan ang iyong mga batang puno? Magbutas ng maliit na 1/8" na butas na malapit sa ilalim ng 5 galon na timba. Maglagay ng piraso ng duct tape sa butas, punuin ng tubig ang timba, ilagay ito nang malapit sa bola ng ugat, at alisin ang tape para hayaang dahan-dahang masipsip ng lupa ang tubig.
EDAD | DALAS | DAMI |
1 taon | 2-3 beses bawat linggo | 1 timba |
2 taon | Isang beses bawat linggo | 2 timba |
3 taon | Tuwing makalawang linggo | 3 timba |
Maaari ka ring gumamit ng maliit na soaker hose, drip tubing o mga emitter, o hose sprinkler na napakahina ang tubig. Iwasang i-spray ang katawan ng puno, at palawakin ang didiligan na bahagi palabas habang lumalaki ang puno.
Paano didiligan ang mga matatag nang puno
3+ taon pagkatapos ng pagtatanim
Huwag umasa sa mga sprinkler sa bakuran - hindi nito sapat na makakadilig nang malalim para maabot ang mga ugat ng puno. Sa halip, dahan-dahang ilublob ang drip line ng puno, ang bilog na bahagi na nasa ilalim ng pinakamalayong naaabot ng mga sanga, hanggang sa umabot ang tubig sa 12-18 pulgada sa ilalim. Huwag diligan nang malapit sa katawan ng puno.
Maaari kang gumamit ng:
- Soaker hose
- Hose sprinkler na mahina ang tubig
- Drip tubig o mga emitter
Kung umaabot ang bahagi ng ugat sa ilalim ng matigas na istraktura (hardscape) o na lampas sa iyong ari-arian, dahan-dahang ilublob ang bahagi ng ugat hangga't maaari.
Ang mga katutubong puno tulad ng mga blue oak, na hindi kailanman nakatanggap ng regular na irigasyon, ay maaaring mapinsala ng ekstrang tubig sa tag-init. Depende sa buhos ng ulan, maaaring mangailangan ang mga ito ng karagdagang tubig mula sa taglagas hanggang sa tagsibol sa mga tuyong taon. Kontakin ang isang sertipikadong espesyalista sa pag-aalaga ng puno (arborist) kung mayroon kang mga tanong tungkol sa kalagayan ng iyong katutubo o matandang puno.