Pagtatabas

Ang mga simpleng pagputol na gagawin mo ngayon ay makakatipid ng napakaraming oras mo at pera sa hinaharap

Pagtatabas ng mga batang puno para sa magandang istraktura

Simulan ang pagtatabas kapag bata pa ang puno at matatag para mailatag ang pundasyon para sa matibay na istraktura ng mga sanga. Ang mga tamang pagputol sa unang ilang taon pagkatapos ng pagtatanim ay ihahanda ang iyong puno para sa mahabang buhay, babawasan ang panganib, at gagawing mas mababa ang mga gastos sa pag-aalaga ng puno sa hinaharap.

Kailan dapat magtabas

Simulan sa unang taglamig pagkatapos itanim ang iyong puno, at tingnan ang istraktura bawat taglamig pagkatapos nito. Pinakamaganda ang panahon ng taglamig dahil hindi aktibo ang puno at mas madaling makita ang istraktura ng mga sanga kapag walang dahon ang mga naglalagas na puno.

Iwasang magtabas sa tagsibol, tag-init, at taglagas maliban para alisin ang anumang mga bagong sibol sa ugat (sucker), mga sibol (watersprout), o mga nasira, patay, o may pinsala na mga sanga.

Isang paalala sa mga namumungang puno

Ang mga sumusunod na payo ay nilalayon para sa mga punong nagbibigay ng lilim — ang pagtatabas sa mga punong namumunga gamit ang mga paraan na ito ay maaaring bawasan ang nagagawang prutas at/o kalidad. Tinatabas ang iba't ibang namumungang puno nang ayon sa kanilang mga natatanging pangangailangan madalas sa mga paraan na makakasama sa mga punong nagbibigay ng lilim. Tingnan ang mga payo na ito para sa pagtatabas ng namumungang puno mula sa mga UC Master Gardener.

Park maintenance crews learn how to prune young trees for good structure while watching staff demonstrate how to make a proper pruning cut with a pair of loppers.
Nakakatulong na magkaroon ng mga ganitong item - tiyaking malinis at matalas ang mga ito:

Mga bypass hand pruner (pantas ng malalambot na sanga at dahon)

Lagari na pantabas

Mga bypass lopper (mukhang gunting na pantabas na may isang blade)

Pole saw (lagari na may hawakan)

Mga pole lopper (gunting na pantabas)

Mga pangunahing payo bago ka magsimula
  • Huwag alisin ang mahigit sa 25% ng live na canopy sa anumang isang taon.
  • Piliin ang mga nararapat na gamit para sa trabaho: mga bypass hand pruner, lopper, at manu-manong lagari. Panatilihing malinis at matalas ang mga ito.
  • Bago ka magsimula, tukuyin kung aling mga uri ng puno ang mayroon ka at isaalang-alang ang laki ng pagtanda ng puno at hugis ng iyong pano.
  • Manatiling ligtas! Panatilihing nasa lupa ang iyong mga paa. Hindi mo maabot? Iwasang gumamit ng hagdan at kumuha ng propesyonal.

Ang estratehiya: 5 hakbang ng pagtabas para bumuo ng istraktura

Structural pruning - Tagalog
  1. Alisin ang anumang patay, sira, o magkakapatong na mga sanga, watersprout, at mga sucker. Nag-iiwan ito ng malinis na slate ng magagandang sanga.

  2. Pumili ng isang pangunahing katawan ng puno para maitatag bilang pangunahing mangunguna — ang pinakamataas, pinakadiretso, at pinakamagandang tangkay. Tulungang matiyak na maitatatag ang nangungunang ito sa pamamagitan ng pag-alis o pagputol sa anumang nakakasagabal na patayo o mahahabang tangkay o mga sanga nang mahigit sa kalahati ng diameter ng nangunguna.

  3. Alamin kung gaano karaming clearance ang kakailanganin mo sa katagalan sa ilalim ng iyong puno — ang mga sanga ay dapat nakataas sa 8 talampakan na mataas sa mga bangketa at 14 na talampakan na mataas sa mga kalsada. Ang mga sanga ng puno ay HINDI lumalaki habang tumataas ang puno; nananatili sa lugar ang mga ito. Maghanap ng matibay at malusog na sanga para bumuo ng iyong pinakamababang permanenteng sanga (kung mayroon kang maliit na puno, maaaring wala pa ito).

  4. Ang lahat ng sanga sa ilalim ng iyong pinakamababang permanenteng sanga ay mga pansamantalang sanga. Panatlihin ang mga ito sa puno habang bata pa para maiwasan ang pagkasunog sa araw sa pamamagitan ng paglilim sa bark at pagsusulong ng mas makapal at mas matibay na katawan ng puno. Kung masyadong mahaba ang mas mababang mga pansamantalang sanga, putulin ang mga ito nang humigit-kumulang na 1 talampakan, pagkatapos, tuluyang alisin ang mga ito sa loob ng ilang taon.

  5. Pumili at magtatag ng mga sanga sa gilid na tumutubo mula sa pangunahing nangunguna na may maayos na mga pagitan nang patayo at pantay ang pagkalat sa paligid ng katawan ng puno. Huwag hayaang tumubo ang maraming sanga sa iisang pinagmulan sa katawan ng puno. Ang maliliit na puno ay kailangan ng pagitan ng sanga na 12 pulgada, at ang malalaking puno ay kailangan ng pagitan ng sanga na 18 pulgada.

Tingnan ang aming playlist sa pagtabas sa YouTube para makakita ng mas maraming halimbawa ng pagtabas para bumuo ng istraktura sa mga batang puno o para manood ng ni-record na webinar tungkol sa pagtabas ng puno na nagbibigay ng lilim.

Ang taktika: Paano gagawa ng mga pagputol sa pamamagitan ng pagtabas

Palaging putulin hanggang sa usbong, isa pang sanga na hindi bababa sa 1/3 na laki ng natabas na sanga, o ang katawan ng puno.

Kapag pinuputol hanggang sa katawan ng puno, putulin lang ang labas ng bark collar ng sanga (kadalasan ay mukhang leeg ng pagong na nagkakabit ng sanga sa katawan ng puno). Pinahihintulutan nito ang puno na isara ang sugat.

Kapag pinuputol ang isa pang sanga o hanggang sa usbong, putulin lang ang labas ng isa pang sanga/usbong (na papalit at tutubo).

Kapag nagpuputol ng mas malaking sanga, gumamit ng manu-manong lagari na may drop cut (kilala rin bilang 1-2-3 cut) para maiwasan ang pagkapunit ng bark at paggawa ng malaki at hindi pantay na sugat.

Pagtabas ng mga matandang puno

Certified arborists should be hired to prune mature trees

Ang mga matandang puno ay dapat tabasin ng mga sertipikadong espesyalista sa pag-aalaga ng puno (arborist). Para sa iyong personal na kaligtasan, ang kaligtasan ng ari-arian mo, at ang kalusugan ng iyong puno, huwag subukang gumawa ng pagtabas sa mga matandang puno o kaya ipaggawa ito sa isang hardinero, landscaper, o isang tao na sanay na gumawa nito.

Kabilang sa ilang eksepsyon ng trabaho na maaari mong gawin ang pag-alis ng mga sucker na tumutubo sa mga ugat o pag-alis ng mistletoe gamit ang pole saw.

Maghanap ng mga payo sa pagkuha ng maaasahang kumpanyang nag-aalaga ng puno para mapanatiling maayos ang iyong matandang puno.

Glossary ng mga salita tungkol sa pagtatabas