Kung hindi mo matatabas ang iyong puno nang nasa lupa ang pareho mong paa, manatiling ligtas sa pamamagitan ng pagkuha ng eksperto at pag-iwas sa hagdan!
Ang hindi tamang pagtatrabaho sa puno ay maaaring magdulot ng malubhang pinsala at maaaring magresulta sa paggugol mo ng maraming oras at pera, kaya kumuha ng kumpanyang nag-aalaga ng puno na parang nakadepende rito ang buhay ng puno, na nakakadagdag sa maraming benepisyo na ibinibigay nito sa ating komunidad tulad ng mas malinis na hangin, mas malamig na mga temperatura, mas mataas na halaga ng ari-arian, at mas malusog na mga lugar.
Kapag napapanatili ang puno sa pamamagitan ng tamang pagtabas at pag-aalaga, pahahabain nito ang buhay ng puno, na makakadagdag sa maraming benepisyo na ibinibigay nito sa ating komunidad tulad ng mas malinis na hangin, mas malamig na mga temperatura, mas mataas na mga halaga ng ari-arian, at mas malusog na mga lugar.
Hindi iniendorso ng Sacramento Tree Foundation ang sinumang pribadong espesyalista sa pag-aalaga ng puno (arborist), mga kumpanyang nag-aalaga ng puno, o mga consultant.
Pagtiyak sa pinakamagandang pag-aalaga para sa iyong matandang puno
Ano ang Arborist na Sertipikado ng ISA?
Ang mga Arborist na Sertipikado ng ISA ay espesyal na sinanay sa pag-aalaga ng puno at mayroong aktibong numero ng sertipikasyon na maaari mong hanapin mula sa International Society of Arboriculture (ISA).
Matutulungan ka ng Arborist na Sertipikado ng ISA na maunawaan ang mga pangangailangan ng iyong puno at gawin ang kinakailangang trabaho para mapanatili itong malusog.
Ano ang isang consulting arborist?
Ang mga consulting arborist ay mga awtoridad sa mga bagay na may kaugnayan sa mga puno at makakapagbigay ng mga appraisal, pagsusuri, at diagnostiko na walang kinikilingan.
Karamihan sa mga consulting arborist ay hindi gumagawa mismo ng mga trabaho sa puno. Sa halip, maaari silang magbigay ng mahalagang pangalawang opinyon kung mayroon kang mahirap na problema sa puno o posibleng mahal na paggamot. Matutulungan ka ng karagdagang opinyon na ito na magpasya sa gagawing aksyon bago kumuha ng serbisyo sa puno na gagawa ng trabaho.
Makakapagbigay din ang mga consulting arborist ng mga rekomendasyon ng eksperto para sa pagprotekta sa mga puno sa mga lugar na may konstruksyon o legal na payo at testimonya sa hukuman.
Kapag kumukuha ng kumpanyang nag-aalaga ng puno:
- Tandaan, ang lisensya ng negosyo lang ay hindi magagarantiya ang may kalidad na trabaho o tamang insurance.
- Tingnan ang kanilang mga reference. Kausapin ang mga nakaraang kliyente at hingiin ang lokasyon ng mga puno kung saan sila nagtrabaho kamakailan para makita mo ang kanilang trabaho.
- Kumuha ng mahigit sa isang bid at suriin ang mga detalye ng bid para tiyaking kumportable ka sa mga detalye.
Bago kumuha ng propesyonal
Magtanong sa iyong lungsod o county para malaman kung kailangan ng permiso para sa pagtatabas o pag-alis.
Mga itatanong
Humingi ng mungkahi
Maaari kang magbigay ng mga detalye para sa trabaho na gusto mo o tanungin ang mairerekomenda nila. Alinman sa mga ito, humingi ng nakasulat na mungkahi na nagbibigay ng mga detalye sa kung paano gagawin ang trabaho.
Palaging humingi ng mungkahi mula sa mahigit sa isang kumpanya.
Tiyaking linawin ang:
- Walang gagawing pag-top sa mga buhay na sanga o lion-tailing
- Hindi gagamit ng mga spike sa pag-akyat maliban kung aalisin ang puno
- Susundin ng mga pagtatabas ang Mga Pamantayan ng ANSI A300
- Hindi mahigit sa 25% ng live na canopy ng puno ang aalisin sa isang pagkakataon — maaaring maka-stress sa iyong puno ang pag-alis ng masyadong maraming dahon at magreresulta ito sa hindi ninanais at hindi magandang pagtubo
Mahalagang impormasyon na dapat malaman bago simulan ang trabaho
Ang isang puno na natabas nang mabuti, tulad ng isang magandang gupit sa buhok ay maaaring mukhang halos walang ginawa. Hindi ito tungkol sa gaano karaming dahon ang inalis, tungkol ito sa pag-alis lang ng tamang dami ng dahon sa puno.
Tiyaking malinaw na tukuyin ang layunin bago simulan ang trabaho. Mga halimbawa: bawasan ang panganib ng puno o pagkabali ng sanga, magbigay ng clearance, panatilihin ang kalusugan ng puno, pagandahin ang hitsura, atbp.